Guissmo

Random Shiz

A Freshie’s Guide On: Paano Magmukhang Freshie

Bihira lang tayo maging freshie. Bihira lang maging priority sa CRS, bihira lang magkanda-ligaw-ligaw at mawala. Kaya para ma-i-cherish mong mabuti ang iyong unang taon sa UP (in case freshe ka nga), narito ang limang tips* kung paano magmukhang freshie.

Kalimutan ang Form 5 sa Bahay
Alam mo ‘yung sinulatan mo ng subjects nung enrollment? Kalimutan mo na ‘yun sa bahay. Sa first day kasi, hinihingi ng mga profs ang form 5 para icheck kung nasa tamang classroom ka ba at kung bayad ka na. Pero since freshie ka at first time mo, ok lang kalimutan mo sa bahay kasi hindi mo naman alam na kailangan.

Magdala ng bond paper kung saan nakaprint ang mapa ng UP.
Syempre, kailangan mong malaman ‘yung mga lugar kung saan dadausin ang mga klase mo. And since first time mo rin naman sa UP, ok lang na ilantad ang mapa mo kasi ‘di mo pa kabisado. Tingnan mo ‘to habang naglalakad para sobrang halata. P’wede mo sanang ilagay ‘yung JPEG na ito sa cellphone mo para magmukha kang upperclassman na nagtetext lang. Mas preferable naman magmukhang freshie na naliligaw ‘di ba?

Sabihin sa Ikot/Toki jeep driver kung saan ka pupunta
Ang point ng pagsabi sa driver kung saan ka pupunta  ay dahil iba-iba ang pamasahe sa iba’t ibang lugar.  Pero ‘pag nasa Ikot o Toki jeep ka, 6 pesos (last time I checked) ang bayad ng isang tao, saan ka man pumunta. Pero since gusto mong malaman ng lahat ng tao sa jeep kung saan ka pupunta at baka sakaling magpaka-Twitter sila at i-follow ka, sabihin mo na rin. “Manong, isang Palma Hall po.” (Sa Katipunan/Philcoa naman, 7 ata palabas, ‘di ako sure. Pacomment na lang kung mali.)

Tawaging Palma Hall ang Palma Hall
Alam nating lahat na ang politically correct na tawag sa napakalaking building na may steps na pinupuntahan ng mga tao para sa karamihan ng GE ay “Palma Hall”. Pero once upon a time, hindi Palma Hall ang tawag diyan. AS. Arts and Something. ‘Di ako sure. Basta ganoon. Kaya ang mga jeep drivers, mas sanay na AS ang tawag. Pero dahil freshie ka, hindi ka pa linilimit ng kultura na tawaging “AS” ang Palma Hall. Kaya tawagin mo nang “Palma Hall”. PH naman ‘yung room mo ‘di ba? Kaya malamang, Palma Hall ‘yun.

Magpaka-awkward sa new people.
Hoshet. Wala kang kilala sa unang GE mo. Since first day, wala kang kakilala, magpaka-awkward ka muna. Sobrang gawin mong siryoso ang tono mo kasi dapat ka talagang siryosohin dito. Takot kang mapagtripan or magkaroon ng bad impression kaya upo ka lang sa isang corner at ‘pag makipagsmall-talk man sa’yo ang mga tao, sagutin lamang sila ng “Ewan”, “Baka” o kung anumang sagot na igigive-away na nagpapaka-awkward ka.

Random Scary Stranger #1: Ano nga ‘uli ‘yung kanta nung Apo?
Ikaw: Ewan.

Random Scary Stranger #2: Alam mo ‘yung last name nung pinakasikat na wookie sa Star Wars?
Ikaw: Baka.

Matakot sa Emba
Ang Math Building, known as MB, na ngayo’y tinatawag na rin as Emba ay katakutan mo. Sobrang napakagandang pangsmall-talk ‘yan sa mga awkward people. Sobrang sabihin mo kung gaano kahirap ang Math at mandiri ka sa mga Math majors everytime na sabihin nila ang course nila.

http://www.palgrave-journals.com/lst/journal/v5/n2/images/8600254f3.jpg
http://inlinethumb36.webshots.com/2211/2675549000028972814S600x600Q85.jpg
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chewbacca_%26_Jawa.jpg

Image Sources:

http://www.palgrave-journals.com/lst/journal/v5/n2/images/8600254f3.jpg

http://inlinethumb36.webshots.com/2211/2675549000028972814S600x600Q85.jpg

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chewbacca_%26_Jawa.jpg

Popularity: 41% [?]

UP Diliman Map

As of now, I think this is a pretty accurate map of UP Diliman. I’m reuploading it for freshies and other people who haven’t memorized the UP map yet.

Enjoy. Comment if you like. :)

Popularity: 100% [?]

Independence Day Challenge

O heto na. Subukan niyong perfect-in itong Lupang Hinirang quiz. Sobrang kupal ‘to sa spelling. Lalo na sa mga apostrophe. So kung ako sa ‘yo, mag-ingat ka lang. Heto nga pala ‘yung link: http://guissmo.frih.net/bayangmagiliw/

Ano score niyo? Comment n’yo sa baba.

Popularity: 16% [?]

Multiply 4.0

In celebration of Multiply 4.0, I have decided to refurbish my blog. And so here it is now. Hurrah.

Popularity: 10% [?]